3 trike driver sa Lucban, arestado dahil sa illegal na pagsusugal
Huli ang tatlong tricycle driver nang maaktuhang nagka-cara y cruz sa Barangay 6, Lucban, Quezon.
Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-12:30 ng tanghali noong Enero 7, 2026 nang makatanggap ng impormasyon ang pulis mula sa Barangay Intelligence Network (BIN) hinggil sa nagpapatuloy na ilegal na pagsusugal.
Agad na rumesponde ang mga awtoridad upang maberipika ang impormasyon.
Dito na nadatnan ang mga suspek na kinilalang sina “Matthew”, 40-anyos, “Joseph” 44-anyos, at “Ferdinand” 42-anyos nagsusugal. Nakumpiska sa kanila ang dalawang one peso coin na ginamit sa sugal at P180.00 na bet money.
Pinalaya rin naman ang mga suspek matapos makapagmulta. //via QPPO Journal of Incident and Accomplishment

