Opinion

Mga beneficiaries na mahuhuling nagsusugal, tatanggalan ng ayuda

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyaryo ng kanilang tulong pinansyal na huwag gamitin ang cash aid sa pagsusugal.

Pinahihigpitan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang monitoring matapos ang pamamahagi ng tulong pinansyal upang matiyak na ginagamit ito sa pangunahing pangangailangan.

Maaari umanong tanggalin na programa at hindi na makatanggap pa ng tulong sa hinaharap ang mga mahuhuling ipinangsugal ang ayuda.

Narito ang opinyon ng ating mga Ka-Bandilyo:

Unfair para samin kmi mga deserving na matulungan ung Asawa na walang permanenteng trabaho sa kadihalanan na mga Hindi nakatapos ng pag aaral gano kasakit smin habang Lalo kming nag hihirap kakapa aral sa mga anak nmin kht halos Wala na kming makain pero makikita nmin ung iba na ksali Dyan mga pagka pay out inom Dito sugal Dito sana lang baguhin nyo ung standard nyo sa pag pili ng mga member Nyan dahil ung iba napaka yaman na nakakasali pa Dyan samantalang kmi na hirap na hirap dimanlang kmi mapasama tanggalin nyu na ung mga nakaka angat na sa buhay para nman may chance kmi o ung iba na makasli sa ayuda nyo” – JINET BUENAFLOR

Dapat ang mga kumukuha ng ayuda ay pinagrremite dn ng knang nabili para sa pamilya yn iba pinagssugal pinag iinom at pinagsshabu .kmi mga nagbubuwis sa gobyerno ay nganga ibinibigay nila sa wlang kuwenta mga tao at iba nmn d nmn talagang karapat dapat tumanggap mayyaman sila yn nakiminabang samantalang yn mga naghhikahos sa buhay sxa wla ano yn palakasan sa tagalista .gisiing pilipinas .every year ang amin buwis sa mga wlang kjuwentang tao nappnta” – CEL BATOCABE

Akala ko’y puhunan na yun?? Wala nang pakialamanan pag natalo.. Bigay na yun ay… Lalaki laang ng mga confidential funds ng mga buwaya hindi naman ginagamit sa proyekto” – WILSON LLAMAS

Tanggalin na kase dapat ang mga ayuayuda na yan.. at ang nakikinabang naman ang mga malapit sa taga lista.. Pag malayo ka sa taga lista nganga ka! Di naman sa kanilanh pera, pinagkakait pa sa mga tunay na nangangailangan..kakapal ng mga mukha!!” – DARIUS ROA

Hnde Naman po sa nilalahat dahil ung iba Naman po ay talagang bnbli para sa mga anak ..piro karamihan po pinang susugal lang ..hnde namn mahuhuli at pg ka kuha Naman ng ayuda wala MN nag iikot para Makita kung ginamit sa tama” – MILA FERNANDEZ Opinyon Mo, IBandilyo Mo!

Bukas ang Dyaryo Bandilyo sa inyong mga opinyon, saloobin at reaksyon sa mga isyung mahalaga sa komunidad.

500-700 salita, orihinal, nakasulat sa wikang Filipino.

Ipadala sa dyaryobandilyoph@gmail.com.

Pin It on Pinterest