LocalNews

Problema sa basura sa Tayabas, pinaaaksyunan ni Mayor Piwa

Inatasan ni Tayabas City Mayor Anthony “Piwa” Lim ang Ecological Solid Waste Management ng Local Government Unit (LGU) of Tayabas City at Environment and Natural Resources Office (CENRO) na agad gumawa ng nararapat na hakbang para maresolba ang problema sa basura.

Nagbigay rin ng utos ang alkalde na pag-aralan pa ang ibang paraan o waste diversion strategies para mabawasan pa ang basurang napupunta sa sanitary landfill.

Batay sa pabatid ng City Information and Community Relations Office nitong July 9, nagsagawa ng inspeksiyon si Lim sa Ecological Park and Sanitary Landfill ng lungsod kung saan personal na nakita ang malaking problemang posibleng harapin kung hindi ito maaaksiyunan agad.

Bagama’t nakita raw ng punong lungsod ang iba’t ibang paraan na ginagawa ng lokal na pamahalaan para pakinabangan ang plastic wastes katulad ng paggagawa ng bag mula sa old tarpaulin at tile bricks mula sa mga shredded glass and plastic, nagbigay siya ng direktiba na pag-aralan kung ano ang mga pangunahing pangangailangan para mapangalagaan at hindi tuluyang umapaw ang pangunahing imbakan ng basura sa siyudad.

Patuloy naman ang panawagan sa mga Tayabasin na maging responsable sa pamamahala ng basura.

Pin It on Pinterest