hacklink bahislion bahislion giriş bahislion güncel bahislion güncel giriş
LocalNews

FEEDBACK NG MGA LUCENAHIN, KASAMA SA KONSIDERASYON NGPAGPAPATUPAD NG TRAFFIC REROUTING SCHEME -MAYOR MARK ALCALA

Nakatutok si Lucena City Mayor Mark Alcala sa isinasagawa ngayong
experimental traffic rerouting scheme sa ilang bahagi ng poblacion. Sa unang
linggo pa lamang ng eksperimento ay agad raw na nakita ng alkalde at ng
monitoring team ang ilang problemang kailangang iresolba. Aminado naman ang
alkalde na hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng problema sa kanilang
isinasagawa dahil parte naman daw ito ng proseso sa pagkakaroon ng
pangmatagalang solusyon sa problema sa trapiko. Welcome din sa alkalde ang
mga feedback mula sa mga Lucenahin at sinabing pati ang mga comments sa
social media ay kanyang nakikita upang makatulong sa kanilang ipinatutupad na
traffic rerouting. Personal ding bumibisita si Mayor Mark sa iba’t ibang lugar ng
traffic rerouting upang makita ang sitwasyon sa mga ito. Bukod pa anya ito sa
mga itinalagang personnel na tahimik na nag-o-obserba at umiikot, lalo na kung
rush hour, upang magkaroon ng aktwal na apresasyon sa kalagayan ng daloy ng
trapiko. Nakipag pulong din ang punong ehekutibo sa Department of Public Works
and Highways upang magkaroon ng mga ilaw sa National Highway na sakop ng
Lungsod ng Lucena. Kabilang sa napag-usapan ay ang pailaw sa kahabaan ng
Diversion Road at mga center islands sa lungsod. Isa rin sa binanggit ni Mayor
Mark sa kanilang pagpapalitan ng ideya ay ang ilang pedestrian crossings sa loob
ng poblacion na nabubura na ang mga linya o pintura. Agad namang tumugon ang
DPWH sa kahilingan ng alkalde at noong araw din na iyon ay naisaayos na ang
ilang pedestrian crossing.
Ibinahagi din ng batang alkalde na bukod sa ground-level monitoring ay nakita rin
nila ang ilan pang pwedeng gawin improvements sa ginagawang traffic rerouting
sa pamamagitan ng commend center ng lungsod. Sa pamamagitan ng mga CCTV
cameras na estratehikong nakalagay sa bawat kalye ay maging ang mga violators
sa kasalukuyang ipinatutupad na sistema ay agad nilang nakikita. Pinuri naman ni
Alkalde ang maraming Lucenahing commuter at motorista na kanilang nakikitang
sumusunod sa mga ipinatutupad ng mga awtoridad. Patunay raw ito na marami sa
kanyang mga kababayan ay hindi pasaway at patuloy na sumusuporta sa
pamahalaang lokal sa pamamagitan ng pagsunod sa batas trapiko. Sa kabila nito
ay nananawagan pa din si Mayor Mark Alcala sa mga nananatiling pasaway na

sumunod at makiisa sa ipinatutupad na traffic rerouting scheme upang makapag-
ambag ang mga ito sa ikaluluwag ng daloy ng trapiko.

Pinasalamatan din naman ng Alkalde ng Lungsod ng Lucena ang mga
nakatuwang ng Lokal na Pamahalaan sa pagpapatupad ng traffic rerouting
scheme. Hindi anya biro ang sakripisyong inialay ng mga ito sa mga nakaraang
araw at sa mga kasunod pang buwan. Patuloy raw sanang habaan ang pasensya
ng mga traffic enforcers, pulis at mga barangay volunteers habang ginagawa ang
kanilang trabaho sa maghapon. Ang maayos anyang pakikipag usap sa mga
motorista’t mananakay ay malayo ang mararating para sa tagumpay ng programa.

Una nang nanawagan ng pang-unawa si Mayor Mark Alcala sa kapwa nito
Lucenahin ukol sa tatlong buwang traffic rerouting scheme. Humiling din ang
dynamic mayor ng pakikiisa ng publiko at sinabi pang welcome ang mga
konstruktibong kritisismo sa programa dahil batid nito na makakatulong ito sa
kanilang layunin.

Pin It on Pinterest