NewsRegional

Pastor sa Rizal, nanutok ng baril, arestado

Naaresto ng Rizal PNP ang isang pastor na sangkot sa isang road rage incident sa Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal kamakailan.

Batay sa ulat ng pulisya, sakay ng Hyundai Veloster ang pastor na si alyas Genaro nang makagitgitnan nito si alyas Ben na nakamotorsiklo habang binabaybay ang kalsada patungong Mayon Ave.Ext.

Agad daw na naglabas ng baril ang pastor at tinutukan ang rider. Agad namang humingi ng tulong ang biktima sa mga pulis na nagsasagawa ng “patrolya ng bayan.”

Nakumpiska sa suspek ang isang cal.45 na baril at 2 magazine, at 39 na pirasong bala.

Mahaharap sa kasong ‘Grave Threat’ at paglabag sa RA 10591 o ang ‘Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” ang pastor.

Pin It on Pinterest