NewsSports

Gold, Bronze, nasungkit ng mag-aaral ng Dalahican Elem School Annex sa RAAM

Isa sa mga ginto at tansong medalya ng Lucena Boomers sa Regional Athletic Association Meet (RAAM) ang nagmula sa student athlete ng Dalahican Elementary School Annex.

Nasungkit ni Ken Jhammer Padrique ang gold medal sa triple jump habang nagtapos naman siya sa ikatlong pwesto sa long jump sa naturang palaro.

Nahigitan ni Padrique ang qualifying standard mark sa long jump na limang metro at 10.16 metro naman sa paborito niyang triple jump event na dahilan para umabante siya sa Palarong Pambansa.

Ayon sa coach niyang si Sir Noel Sulay, mamahain at pag-aaralan umano ng bata nang mahusay ang kanyang laro kapag nakita niya na may puso at sigasig sa paghubog sa kanya.

“It all starats with passion, then an unyielding pursuit for excellence,” saad niya sa ekslusibong panayam ng Bandilyo News Team.

Pagsusumikapan pa umano nila ang training para makapag-uwi naman ng gintong medalya sa Palarong Pambansa na idadaos sa Cebu sa darating na July 6-17.

Samantala, nagpapasalamat naman si Sulay sa kanilang school principal, kapwa mga guro, kay Division Sports Officer (DSO) Joey Jader, at sa buong Team Lucena Boomers sa pangunguna ni Mayor Kuya Mark Alcala at Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Pin It on Pinterest