NationalNews

DOLE nagpaalaala sa mga employer na magpasahod nang tama ngayong holiday

Nagpaalaala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa lahat ng employer mula sa pribadong sektor na magpasahod ng maayos sa kanilang mga empleyado tuwing holiday.

Bunsod ito ng dalawang regular holiday na Araw ng Kagitingan ngayong Abril 9 at Eid’l al-Fitr naman sa Abril 10 na idineklarang regular holiday ng Malacañang.

Sa inilabas na Labor Advisory No. 5 ng kagawaran, kung hindi pumasok ang empleyado sa trabaho na idineklarang regular holiday, dapat pa rin siyang bayaran ng employer ng 100% ng kanyang sahod para sa naturang araw ngunit kinakailangan na magtrabaho ang empleyado sa araw na sinusundan ng regular holiday.

Kung nagtrabaho naman ang empleyado ng regular holiday, dapat ay magbayad ang employer nito ng kabuuang 200% ng kaniyang araw ang sahod para sa unang walong oras.

Kung mag-oovertime naman, dapat may karagdagang 30% ng orasang kita ang isang empleyado.

Kung hindi nagpasweldo nang tama employer o kumpanya maaari itong idulog sa DOLE. Kinakailangan lamang umano ng ebidensya na pumasok ang nagrereklamo tulad ng logbook o bandiclock record. Maaari rin umanong magpatulong sa anumang unyon o samahan ng mga manggagawa para magsampa ng kaso.

Pin It on Pinterest