News

Dalahican Elementary School, nagsagawa ng oryentasyon ukol sa Republic Act No. 10028 o ang Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009

Bilang pagpapakita ng suporta ng Dalahican Elementary School sa mga nagpapasusong ina at mga sanggol, nagsagawa ang nasabing paaralan ng oryentasyon sa RA 10028.

Ang pagpapasuso ay isang mahalagang aspeto ng pag-unlad ng isang bata at kinikilala ng pamahalaan ang kahalagahan nito sa pamamagitan ng Republic Act No. 10028 o ang Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009.

Upang maisulong at turuan ang mga tao tungkol sa batas na ito pati na rin ang mga benepisyo ng pagpapasuso.

Nagsagawa ng orientation seminar ang Dalahican Elementary School sa ilan sa mga nagpapasuso, nagdadalang-tao at mga guro kasama si Patrick Miguel T. Palacio, Nurse II ng DepEd Lucena City, bilang tagapagsalita.

Binigyang-diin ni Palacio, ang kahalagahan ng exclusive breastfeeding sa unang anim na buwan ng buhay ng isang sanggol.

Bukod dito, tinalakay din niya ang mga benepisyo ng pagpapasuso para sa ina at sa bata, tulad ng pagbibigay ng tamang nutrients at antibodies na nagpapalakas sa immune system ng sanggol.

Ang Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009 ay nag-uutos sa lahat ng ahensya ng gobyerno na magtatag ng mga lactation station sa mga lugar ng trabaho, kabilang ang mga pampubliko at pribadong paaralan, upang suportahan ang mga nagpapasusong ina. Ipinatupad ng DepEd Lucena ang mandatong ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga lactation station sa lahat ng mga paaralan sa Lungsod.

Pin It on Pinterest