NewsSports

Gozum ng Huskers, out for season dahil sa injury

Hindi na makalalaro ang bigman ng Quezon Huskers na si Will Gozum hanggang matapos ang 6th Season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) dahil sa natamo nitong injury sa huling laban sa Quezon Convention Center kontra sa Batangas City.

Sa dikdikang labanan na umabot pa ng overtime noong Sabado, aagawin sana ng former NCAA MVP ang bola 55 seconds ang natitira nang napasama ang bagsak niya at kinakailangan pang akayin ng teammates palabas ng court.

Batay sa pahayag ng koponan, nagtamo si Gozum ng ‘major left knee injury.’

Malaki ang kontribusyon ng dating Batang Gilas Pilipinas star sa koponan ng Quezon na mayroong average na 8.3 points at 4.6 rebounds sa walong laro sa MPBL na isa sa mga dahilan kung bakit nananatiling malinis ang kartada ng koponan at number 1 sa south division ng liga.

Kabilang din ang 6’7 Center sa roster ng Quezon Titans na nagkampeon sa Pilipinas Super League

Shawe Reyes

SHERWIN REYES reyesmsherwin@gmail.com 0945-576-2236

Pin It on Pinterest