News

Tagkawayan Divers, sumailalim sa rescue at scuba diving training

Sumailalim sa rescue at scuba diving training ang mga TK Divers sa bayan ng Tagkawayan, Quezon sa pangunguna ni Michael Glenn Tolentino at John Irving Pineda.

Ito ay para mas maging epektibo sa pagtupad sa mga tungkulin sa pangangalaga ng baybayin at yamang dagat katulad ng mga coral reefs at deep dwelling seagrass bed sa marine protected area ng Tagkawayan, Quezon.

Ang rescue at scuba diving training ay isinagawa nitong Huwebes, January 26.

Bukod sa aktibidad na ito, patuloy daw ang TK Divers na nagsasagawa ng pagsusuri at pag-aaral sa kanilang karagatan upang mas mapagyaman at mapanatili ang sigla ng yamang dagat sa naturang bayan. Nagsasagawa rin sila ng Night Dive upang mas makita ang “Coral Spawning” o ang pagpaparami ng korales na kadalasan ay sa gabi nakikita.

Pin It on Pinterest