Huskers nagpaulan ng tres vs Tigers
18-three pointers ang pinakawalan ng hari ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) South Division Quezon Huskers para ibaon ang Davao Occidental Tigers, 90-61 sa Pasay Astrodome, Hulyo 10.
Pinangunahan ni MPBL Datu Cup Most Valuable Player Gab Banal ang 3-point party ng Huskers na bumuslo ng anim sa pito niyang tirada sa long-range area.
Umabante pa ng tatlong puntos ang Tigers, 27-30 sa 4:06 mark ng second quarter bago ang beyond the arc shot ni Banal na nagpatabla at nagpainit sa mga manlalaro ng Quezon.
Nagrehistro sila ng 15-4 run para ungusan ang Tigers sa pagtatapos ng first half, 42-34.
Hindi pa rin nagpaawat si Banal sa kanyang three-point shooting sa simula ng 3rd quarter. Sumali pa rito sina Judel Ric Fuentes, Vince Magbuhos, at Will Gozum na may 8-combined shot beyond the arc, natapos ang naturang kwarter, 71-46.
Hindi na nakahabol ang Tigers na natamo ang kanilang ika-10 talo. Nananatiling namang number 1 ang Huskers sa kanilang dibisyon na may kartadang 15-3.
Sunod nilang makakabanggaan ang Bacolod Tubo Slashers sa July 17.
Box Score: Banal 18, Fuentes 13, Magbuhos 12, Tagle 10, Lagrama 7,Yerro 7,Pagaran 6, Gozum 5, Gravera 4, Sarao 4, Gonzales 3