LocalNews

Pangunahing panukalang batas ng 4K Party-list para sa kababaihan, buntis, senior citizen

Pinagtuunan ng pansin ni Kababaihan Kabalikatan para sa Kapakanan at Kaunlaran ng Bayan (4K) Party-list Rep. Iris Marie Montes sa pagbubukas ng 20th Congress ang mga batas para sa karapatan at kapakanan ng mga kababaihan, buntis, at senior citizens.

Sa inihain niyang 10 panukala sa Kamara, nanguna rito ang HB No. 318 o Pagsulong ng Gender-Responsive at Inclusive na Negosyong Laban sa Kahirapan at HB No. 319 o Mas Malakas na Partisipasyon ng Kababaihan sa Agrikultura, Pangisdaan, at Kaunlarang Pambaryo

Ang laban ng 4K Party-list ay para sa kababaihan at kanilang mga pamilya. Prayoridad ng 4K na isulong ang mga panukalang batas na magsisiguro ng pag-unlad at kapakanan ng kababaihan. Masipag nating isusulong and women economic empowerment maliban sa kanilang mga karapatan na dapat itaguyod sa pamamagitan ng mga tumutugon at angkop na mga polisiya,” pahayag ni Montes.

Kabilang din sa isinusulong ng kongresista ang Literacy Program para sa mga Nagdadalang-Ina sa Health Facilities, Pagbuo ng Philippine Center for Disease Prevention and Control, Universal Social Pension para sa Lahat ng Senior Citizens, Pagpapalakas ng Mental Health Services sa SUCs, National Bullying Awareness and Prevention Month tuwing Setyembre, Inclusive Education at Kabuhayan para sa Adult 4Ps Beneficiaries, at Women in Government Act.

Matatandaang nanguna sa mga nanalong party-list sa lalawigan ang 4K bitbit ang platapormang HEELS (Health, Education, Environment, Livelihood, and Services). Nakakuha sila ng higit 450,000 boto sa probinsya malayo sa number 2 na Alona Party-list na may botong higit 230,000.

Pin It on Pinterest