News

Price Monitoring Activity, isinagawa sa Lungsod ng Tayabas

Nagsagawa ang Tayabas City Price Coordinating Council Joint Task Force ng regular na Monthly Monitoring sa ilang establisyemento at pamilihan sa Lungsod ng Tayabas.

Kasamang nag-inspeksyon ang mga kawani ng DTI Negosyo Center Tayabas, City Public Market Operations, Business Permit and Licensing Office, City Agriculture Office, City Veterinary/Slaughterhouse Services Office at City Economic Development and Investment Promotions Office na nagsagawa ng Price Monitoring Activity para maikumpara ang presyo at supply ng mga basic products.

Kasabay nito nagsagawa din ng random price check verification sa ilang tindahan para masigurong parehas ang mga presyong nakalagay sa counter at display.

Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng weekly at quarterly monitoring ng City Public Market Operations Office at matutunghayan ang mga presyo ng bilihin sa bulletin board ng nasabing palengke.

Pin It on Pinterest