NewsSports

Init ng Huskers, hindi naapula ng Tubo Slashers

Anim na sunod na panalo na ang naitatala ng Quezon Huskers matapos manaig sa Bacolod Tubo Slashers sa 7th season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Hothand pa rin si former Most Valuable Player Gab Banal na kumamada ng apat na three-pointers na itinanghal na best player of the game sa kanilang back-to-back win.

May kabuuang 12-tres ang Huskers na naging bentahe nila kontra sa Tubo Slashers na nakapagpasok lamang ng tatlong tira sa long range.

One sided ang laban mula sa first quarter, 29-17, 43-31, 66-49, 85-74.

Nagrehistro si Banal ng 13 puntos habang double scoring digit din ang ambag nina Huskers all-star LJay Gonzales at rising star Vince Magbuhos na may tig-12 puntos.

Top seed pa rin ang koponan sa south division na may record ng 16-3 habang bagsak naman sa 2-17 ang Bacolod.

Muling sasabak sa aksyon ang division champion sa July 24 kontra sa Muntinlupa Cagers Lakan.

Shawe Reyes

SHERWIN REYES reyesmsherwin@gmail.com 0945-576-2236

Pin It on Pinterest