News

SHS at Student leaders sa MPAIHS sumailalim sa Basic Life Support at Rappelling Training

Kamakailan ay nagsagawa ng Basic Life Support and Rappelling Training ang Mayao Parada Agricultural Integrated High School para sa mga mag-aaral ng SHS na sumasailalim sa Work Immersion kasama ang BFP at Student Leaders.

Alinsunod sa Deped Order No. 37 s. 2015 (Comprehensive Disaster Risk Reduction and Management in Education Framework) at Deped Order No. 30 s. 2017 (Guidelines in Work Immersion), nagbigay ang MPAIHS ng pagkakataon sa work immersion, workplace o hands-on experience at karagdagang mapagkukunan ng kaalaman ng mga mag-aaral ng SHS.

Kasama rin sa pagsasanay ang mga student leaders na mula sa SSG, JFM, ABKD, KIWANIS, KEY CLUB at YES-O.

Pinangasiwaan ng BFP Lucena ang pagsasanay na naglalayong magbigay ng kaalaman sa mga mag-aaral sa pagmanage ng mga critical medical emergencies sa paaralan o maging sa bahay.

Ang pagsasanay ay nagsilbing plataporma upang paalalahanan ang mga mag-aaral na ang kanilang tungkulin sa pagiging pinuno sa iba’t ibang mga programa at aktibidad ay mahalaga sa pagpapanatili ng safe, secured at conducive na paaralan.

Pin It on Pinterest