News

Mga mag-aaral sa Quezon National High School nagpakitang gilas sa sayaw bilang parte ng selebrasyon ng National Arts Month

Ipinakita kahapon, February 22, 2023 ng mga estudyante ng Quezon National High School ang kanilang mga sayaw sa Galaw Pilipinas Competition sa ika-3 araw ng pagdiriwang ng National Arts Month 2023.

Kasama sa mga sayaw ang iba’t ibang at makukulay na pagdiriwang sa Quezon Province tulad ng Candle Festival ng Candelaria, Quezon na iprinisenta ng Grade 7 students.

Habang Lagui Manok Festival ng Padre Burgos, Quezon sa Grade 8 students, Araña’t Baluarte Festival ng Gumaca, Quezon sa Grade 9 students, Niyogyugan Festival naman ang pinakita ng mga mag-aaral sa Grade 10 at Pahiyas Festival ng Lucban, Quezon para sa Senior High School.

Hindi lang sa pagsayaw nagpakita ng galing ang mga mag-aaral kundi pati sa kanilang iba’t ibang costume at headdress.

Pumarada din ang mga muse ng bawat grade level sa Gabaldon Hall ng nasabing paaaralan para naman sa Search for Festival Queen 2023.

Bukod sa sayaw may iba’t iba pang aktibidad ang nasabing selebrasyon gaya ng singing contest, mobile photography contest at iba pa habang iaanunsyo naman ang mga nanalo sa kompitisyon sa darating na Martes, February 28, 2023.

Ang pagdiriwang ng National Arts Month ay pinangunahan ng QNHS MAPEH department.

Pin It on Pinterest