News

Enhanced nutribun, ipinamahagi sa Atimonan, Quezon

Sinimulan na nitong Miyerkules ang pamamahagi ng mga enhanced nutriban sa bayan ng Atimonan, Quezon upang matugunan at ma-amyendahan ang nutrient gap ng mga bata.

Nasa 46 kabataan na nasa edad 24 – 35 buwan, wasted, moderate wasted and stunted weight o mayroong mababang timbang na di angkop sa kanilang taas at edad ang nabiyayaan ng e-Nutribun o pinasustansiyang tinapay.

Layon ng programa na mabigyang tugon ang gutom at malnutrisyon sa mga bata lalong-lalo na sa panahon ng crisis.

Sinimulang mamahagi ng tanggapan ng RHU Atimonan, Barangay Nutrition Scholar at Barangay Health Workers ng Enhanced Nutribun sa Barangay Tagbakin, Zone III Pob., Zone IV Pob., Tinandog, Sta. Catalina, Malinao Ibaba, Sapaan, Inaclagan, San Isidro, Caridad Ilaya, Buhangin, Balubad, Lubi, at Talaba.

Ayon sa lokal na pamahalaan, tuloy-tuloy ang pamamahagi nito kada linggo, kasama na rin ang pagtutok sa timbang ng mga bata at pagbabago ng kanilang kalusugan.

Pin It on Pinterest