Pagsusukli ng candy, bawal sa batas ayon sa DTI
Ipinagbabawal ng batas ang hindi pagsusukli ng isang maninindahan o ang maging pagsusukli nito ng candy sa isang consumer.
Nakapaloob ito sa implementing rules and regulations ng Republic Act 109109 ng Department of Trade and Industry o DTI na siyang nilinaw naman ni Leila Cabreros hepe ng Consumers Protection Division ng DTI Quezon sa programang Umagang Tambayan ng 89.3 FM Max Radio at Bandilyo TV hinggil sa tanong ng isang texter kaugnay sa pagsusukli ng candy sa consumer.
“… bawal sa isang negosyante ang hindi magbigay ng sukli o di kaya ay kulang na sukli. Bawal din sa negosyante ang magbigay ng sukli other than the current denomination ibig sabihin candy,” pahayag ni Cabreros.
Kung noong araw nagiging kalakaran ang pagsusukli sa mamimili ng candy lalo na kung walang barya pero sa pagkakaroon ng batas hinggil dito, maaaring magreklamo ang isang maimili sakaling suklian siya ng candy
“Bawal din sa maninindahan ang makiusap sa consumer na (hindi kita masusuklian kasi wala akong barya) hindi po siya dahilan para hindi siya bigyan ng sukli,” dagdag pa ni Cabrereos.
Ayon sa DTI hindi raw katuwiran ang walang barya dahil ayon sa Bangko Central ng Pilipinas walang katuwiran sa barya.