Palutang-lutang na bangkay, natagpuan sa ilog sa Lucena City
Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa isang ilog sa Purok 7 Riverside, Barangay Dalahican, Lucena City.
Kinilala ang biktima na si alyas Edmon, 44-anyos, residente ng nabanggit na lugar.
Batay sa ulat, ilang residente ang nakakita sa bangkay na nakalutang sa ilog alas 9:00 ng umaga noong May 19.
Agad umano itong ini-report sa tanggapan ng pamahaang pambarangay barangay. Nang tanggalin na sa ilog at dalhin sa pangpang ang bangkay ay nakita na tadtad ng saksak ng patalim ang katawan nito.
Ayon sa isang opisyal ng barangay, hindi bababa sa walong saksak sa dibdib at iba pang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktima.
Patuloy na iniimbistigahan ng mga awtoridad kung sino ang salarin at ano ang motibo sa naturang krimen.