News

Nanumpa na! Mga bagong opisyal ng BHW Federation sa Tanauan City

Nanumpa na ang mga bagong opisyales ng pederasyon ng mga Barangay Health Worker o BHW sa Lungsod ng Tanauan sa Lalawigan ng Batangas. Ang mga opisyal na ito ay hango sa mga BHWs sa apatnaput walong barangay ng Lungsod. Ang mga BHW ay mga boluntaryong tumitingin sa kalusugan ng mamamayan sa bawat barangay ng iba’t ibang bayan at lungsod sa buong bansa. Karaniwang sa boluntaryong kapasidad at maliit na honoraria lamang ang natatanggap ng mga ito mula sa pamahalaan. Bagamat ganito ang kadalasang pangyayari, ginagampanan pa rin ng mga Barangay Health Workers ang trabahong nakaatang sa mga ito upang pangalagaan ang kalusugan ng kanilang mga kabarangay.

Pinasalamatan naman ni Mayor Antonio Halili na nanguna sa panunumpa ng mga opisyal ng pederasyon sa kanyang lungsod. Ang mga BHW anya ay ang katuwang ng lokal na pamahalaan sa pangangalaga ng mga ito sa mga kabarangay. Sa kabila anya ng hindi sapat o maliit na honorarium ay tumutulong pa rin ang mga BHW at ginagampanan ng buong puso ang kanilang mga tungkulin.

Pin It on Pinterest