News

Bagong Barangay Hall ng Domoit ginawang One Stop Shop

Naging maayos at matagumpay ang ginawang paglipat ng mga opisina ng Pamahalaang Barangay ng Barangay Domoit sa Lungsod ng Lucena sa bago nitong gusali, March 10, Araw ng Biyernes kung saan binasbasan at pinasinayaan ito.

Ikinatuwa naman ng mga empleyado ng Pamahalaang Barangay ang kanilang mga bagong opisina sa mas malaki at kagagawang Barangay Hall ng Domoit.

Ayon kay Kapitan Ruel Trinidad, ang bagong gusali ay magsisilbing one stop shop para sa mas episyenteng paghahatid ng serbisyo-publiko sa mga residente

“Katulad nga kapag meron tayo nitong Barangay Hall pagbaba mo meron na tayong Lupong Tagapamayapa yung pinakang office nila doon kung makikita niyo pagkapasok, yung pangalawang pinto naman doon nag-uumpisina yung mga secretary at treasurer tsaka yung mga staff namin, itong kabila naman ito yung aming session hall tapos ito naman yung pinakang opisina ko, tapos yung taas pinakang roof deck lang yon. Ganon ang mangyayari andito na lahat kumbaga binigyan din naman dito ng lamesa yung senior citizen dito, yung SK naroon din sa baba kasama din.”

Ang bagong barangay hall ay ipinagkaloob ng isang partylist na pinondohan ng nagkakahalaga ng mahigit P7-M.

Samantala, ginawa namang day care center at health center ang multipurpose building nito noong araw ding iyon upang makatulong sa mga kabarangay.

Pin It on Pinterest