Quezon HG Lagrama, bumida sa ikaanim na panalo ng Huskers sa MPBL
Bumida ang binansagang “Harang ng Quezon” na si Christopher “Topeng” Lagrama sa ikaanim na sunod na panalo ng Huskers sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).
Kumamada ang pride ng Lucena City ng apat na 3-points at umiskor ng kabuuang 16 puntos na nagpatahimik sa home crowd ng Parañaque Patriots sa 81-75 na final score.
Iniangat ni Lagrama ang laro niya nang mabigyan ng mahabang playing time dahil sa maalat na laro ni LJay Gonzales sa una hanggang ikatlong kwarter bago magpakawala ng dagger three sa huling yugto ng laro.
Mainit ang sagutan ng puntos ni Lagrama at Patriot Star Jielo Razon na nagbuhat sa kanyang koponan na may 19 puntos.
Lumamang pa ng isang puntos,72-71 ang home team sa 3:24 natitirang minuto sa 4th quarter ngunit hindi nagpadaig ang #1 seeded na Huskers at agad sumagot ng big time 3-points si Lagrama, 74-72.
Nagawa humirit ni Parañaque Guard Joshua Gallano ng isang one hander banking shot , 74-74 na may 2:44 mark.
Agad namang bumawi si Will Gozum ng dalawang puntos para sa Quezon at bumitaw si Gonzales ng isang step back cold blooded three, 26.3 segundo ang natitira, 79-74. Hindi na nagawang sumagot pa ng Patriots.
Nananatiling malinis ang kartada ng Huskers, 6-0 habang natikman ng Patriots ang ikalawa nilang talo 6-2.
QUEZON 81 – Lagrama 16, Minerva 15, Opiso 10, Gonzales 9, Banal 9, Gozum 8, Torres 6, Sandagon 3, Matillano 3, Abundo 2,
PARANQUE 75 – Razon 19, Manalang 15, Gallano 14, Ubuda 11, Ruaya 7, Olegario 3, Sarao 3, Pido 2, Martel 1,
Quarterscores: – 16-14, 41-33, 60-61, 81-75