News

CALBARZON-on-Wheels ng OWWA, isinagawa sa bayan ng Quezon, Quezon

Nagsagawa ang Overseas Workers Welfare Administration ng OWWA CALABARZON on Wheels sa bayan ng Quezon, Quezon nitong Sabado, March 11.

Ayon sa pabatid na inilabas ng lokal na pamahalaan, layon nito na maserbisyuhan ang mga residenteng Overseas Filipino Workers o OFW kabilang na ang mga repatriated/returned OFWs, OFWs on vacation, immediate family members at retired OFWs.

Layon pa ng aktibidad na makapag-avail ng mga serbisyo tulad ng livelihood assistance, scholarship programs, social benefits, welfare services at rebate o DOLE-AKAP.

Kinakailangan lamang na aktibo ang OWWA membership o mayroong hindi bababa sa isang kontribusyon dito.

Ang OWWA-on-Wheels ay nagsimula ng alas-8:00 ng umaga na ginanap sa Municipal Covered Court, U Camacho St. Brgy. 4 ng bayan.

Pin It on Pinterest