NewsSports

Quezon Huskers, 9-0 na sa MPBL

Pinahaba pa ng Quezon Huskers ang kanilang winning streak sa siyam matapos talunin ang Negros Muscovados, 73-62 sa 6th Season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), Hunyo 2.

Bumida ang dating FEU Tamaraw cager na si Rodel Gravera sa pagkawala ng kanilang main bigman na si Will Gozum dahil sa leg injury.

Ibinida ng 6’4 forward ang double-double na 18 points at 12 rebounds dahilan para makontrol ng Huskers ang laro.

Dikit pa ang score nang matapos ang first quarter sa 18-18 ngunit umalagwa na ang number 1 seeded team nang pumasok ang kanilang mga three-point shot sa pangunguna ng kanila ng sharpshooter na si Xyrus Torres.

Nagpamalas din ng husay ang isa pa nilang forward na si Jason Opiso na nagrehistro naman ng 14 puntos.

Nananatiling malinis ang record ng Huskers sa 9-0 at number 1 sa south division ng liga habang bumagsak naman ang Muscovados sa ikasiyam sa record na 4-7.

QUEZON 73 – Gravera 18, Opiso 14, Gonzales 6, X.Torres 6, Matillano 5, Abundo 5, Banal 5, Sandagon 4, Canon 4, Rono 3, Bunag 2, T.Torres 1, Salonga 0, Lagrama 0.

NEGROS 62 – Cani 19, Comia 12, Geolingo 11, Atabay 10, Palma 6, Una 2, Cruz 2, Antiporda 0, Longa 0, Bacay 0, Alcaide 0, Ramos 0, Pascual 0, Capobres 0.

Quarterscores: 18-18, 38-28, 56-52, 73-62

Shawe Reyes

SHERWIN REYES reyesmsherwin@gmail.com 0945-576-2236

Pin It on Pinterest