LocalNews

Sen. JV Ejercito inalam ang kalagayan ng QMC

Maaliwalas, maayos, at halos kumpleto na ang mga kagamitan, ganyan inilarawan ni Senator JV Ejercito ang kalagayan ngayon ang Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center (QPHN-QMC) sa muling pagbisita nito nitong July 15.

Kasama si Quezon Governor Helen Tan, bumisita ang senador sa pinakamalaking pampublikong ospital ng Lalawigan ng Quezon upang malaman ang kalagayan nito.

Inikot ni Ejercito ang iba’t bang pasilidad ng naturang pagamutan.

 ‘’Malayong-malayo, madilim ‘yong mga pasyente nasa pasilyo, iba na makaling difference pero marami pa tayong kailangan. May mga equipment pang kailangan. Tingnan natin hopely makakuha tayo ng grant from DHO para malagyan natin. Para makupleto natin ang Quezon Medical Center” giit ng mambabatas.

Ang pagbisita ng senador ay bilang bahagi ng implementasyon ng Universal Health Care (UHC) at naglalayong matukoy kung ano pa ang mga kinakailangan sa nasabing ospital para mas maayos na makapagbigay serbisyo sa mga Quezonian.

Ibinahagi niya na upang matiyak ang pagtugon sa mga kakulangan na ito ay malaki ang gagampanan ng naturang batas na naisakatuparan sa pagtutulungan nila ng noo’y kongresista, Gov. Dra. Tan.

Mas aausyin ang serbisyo sa QMC

Sa inaugural session ng Sangguniang Panlalawigan, iginiit ni 2nd District Board Member Keith Mikhal “Doc Kim” Tan na may hawak ng komitiba ng Health and Sanitation na mas aayusin pa ang serbisyo at programa sa naturang ospital.

Aniya, sabi nga ina ng lalawigan ay walang perpektong sistema subalit ginagawa nila ang lahat para mapabuti araw-araw ang serbisyo rito.

“Mas papalakasin po natin ang napatibay ng polisya upang tuluyang gumaling ang ating probinsya sa mga nakababahalang sakit at nagpapahirap sa ating mga ka-lalawigan.” bahagi ng pananalita ni Doc Kim sa inagural na sesyon.

“Ang mga kwento po ninyo ay babaunin namin dito mismo sa Sangguniang Panlalawigan upang hindi lang gumawa ng kapaki-pakinabang na mga batas kundi makatao at makatarungang mga polisya,” ayon pa sa bokal na nakakuha ng pinakaraming boto sa ikalawang distrito.

Pin It on Pinterest