News

Infanta at NFA lumagda ng kasunduan para sa pagbili ng palay

Lumagda sa kasunduan ang lokal na pamahalaan ng Infanta, Quezon at National Food Authority para matulungan ang mga lokal na magsasaka.

Pinangunahan nitong Martes ni Infanta Mayor Filipina Grace America at Mark Jing Tayactac ng NFA-Laguna ang MOA signing ukol sa Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units na programa ng ahensiya.

Sa pamamagitan nito, magdadagdag ng kaunting presyo kada kilo sa kasalukuyang palay buying price ng NFA para sa mga accredited farmers ng naturang bayan.

Nilalayon ng programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka na mapataas ang kita kasabay na matulungan ang mga LGUs sa pagkuha ng kanilang mga pangangailangan sa palay para sa nasasakupan.

Nauna rito, nagkaroon ng mahigpit na ugnayan ang NFA sa Department of Interior and Local Government (DILG) upang hikayatin ang mga LGUs na maging bahagi ng PALLGU upang tugunan ang pangangailangang suplay ng bigas.

Pin It on Pinterest