LocalNews

2 lalaki, patay sa magkahiwalay na pamamaril sa Sariaya

Patay ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na pamamaril sa Sariaya, Quezon, Enero 28 ng gabi.


Batay sa ulat ng pulisya, nangyari ang unang insidente sa Sitio San Isidro Barangay Manggalang Tulo-Tulo.


Bandang 6:20 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang Sariaya PNP mula kay Punong Barangay Reynante Mindanao na may naganap na pamamaril.


Nakilala ang biktimang si ‘Alex’, 54-anyos, magsasaka, at residente ng naturang barangay. Naglalakad umano ito patungo sa kanyang bukid nang biglang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek na agad tumakas matapos ang krimen.


Mag-aalas-otso naman ng gabi nang makatanggap muli ng tawag ang mga awtoridad na may isa pang binaril sa bahagi naman ng Maharlika Highway na sakop ng Sitio Palmas, Brgy Concepcion 1.


Kinilala ang biktimang si ‘Mico’, 31-anyos, tubong San Nicolas, Batangas at kasalukuyang naninirahan sa Brgy Masalukot 1, Candelaria, Quezon.


Binaril umano ito sa ulo habang minamaneho ang kanyang Toyota Vios. Ang suspek umano ay sakay rin ng naturang kotse na mabilis tumakas matapos barilin ang biktima.


Dinala pa siya sa Candelaria District Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.


Patuloy naman isinasagawa ng Sariaya PNP ang imbestigasyon sa magkahiwalay na krimen.

Pin It on Pinterest