LocalNews

Grupo, indibidwal na tumulong sa mga mag-aaral ng LCNHS-Ilayang Dupay Extension, kinilala

“Ang Lucena City National High School (LCNHS) –  Ilayang Dupay Extension ay isang maliit na paraalan. May maliit na pamilya pero sa abot nang aming makakaya, ibinigay namin ang puso, talino, at oras, para sa bawat Ideano at hindi namin makakamit ang tagumpay kung wala ang tulong ng stakeholders,.”

‘Yan ang binigyang diin ni Dr. Fermela V. Calvario, school head ng LCNHS-IDE sa idinaos na Gawad Ilayang Dupay Extension Array of Notable Individuals) IDEANS sa Ling Sing Corp, Hulyo 19.

Isinaad niya ang mga natatanging kontribusyon ng grupo at indibidwal para makamit ng paaralan ang ‘flying colors’ matapos ang taong panunuran 2023-2024.

Sa kabila umano ng mga pagsubok tulad ng Bagyong Aghon at ilan pang kinahrap na suliranin ay marami pa ring nakatapos sa pagtutulungan ng mga guro, magulang, at mga stakeholder.

Pagdating sa disaster risk management, naging katuwang ng paaralan ang Regional Emergency Assistance Communication Team (REACT) Philippine Inc. -Paglutas Group sa pangunguna ni 2017-2024 Group Chief Niñel Pedro.

Nagbigay ng libreng pagsasanay ang nabanggit na grupo sa mga mag-aaral hinggil sa paglalapat ng paunang lunas at pagiging handa sa panahon ng kalamidad.

Nagbigay rin sila ng energy drinks bilang suporta sa pagpapalakas at pagpapatatag ng katawan at isip ng mga batang IDEano.

Ayon kay Pedro, kabilang sa layunin ng kanilang grupo ang mag-volunteer at tumulong sa mga komunidad.

“Handa po kaming tumulong hindi lamang pagdating sa emergency response dahil kung ano ang hinihingi sa amin ay hindi naman namin matatanggihan. Pwede rin po kaming tumulong sa Brigada Eskwela tulad nang sinabi ni Ma’am na pagtatabas, pagpipintura. Maaasahan niyo rin po ang aming members,” saad niya.

Bukod sa REACT Philippines – Paglutas group, pinasalamatan din ng paaralan ang Myrtles Agricultural Farm na katuwang nila sa anumang may kinalaman sa sektor ng agrikultura; Church In Lucena na nagbigay ng kubo at naging volunteer ang mga members para magturo nang pagbabasa; at Pamahalaang Pambarangay na agad na tumutugon sa mga pangangailangan ng paaralan.

Pin It on Pinterest