LocalNews

Lucbanin,haharanahin nina Le John, Arthur Miguel; pakekembotin ng Showtime Baby Dolls

Mabilis na kumalat sa social media ang Facebook post ng Local Government Unit (LGU) ng Lucban, Quezon tungkol sa Fiesta Concert.


Sa pagdiriwang ng Araw ng Lucban sa Agosto 19, magiging guest performer ang OMP indie-song writers na sina Le John at Arthur Miguel.


Patok sa kabataan ang kanilang mga hugot songs. Si Le John ang nagpasikat ng mga kantang “Naiilang” at “Tayo” habang ang Wishclusive Ballad Performance of the Year nominee naman na si Miguel ang nasa likod ng “Maling Panahon”, “Lihim”, at Pasahili.”


Hindi matatapos sa kilig ang concert, tiyak mapapa “Oohh Lala Baby” din ang mga Lucbanin sa No. 1 sa YouTube Trending ngayon na Showtime Baby Dolls.


Tiyak na maghahatid ng makukulay na pagtatanghal ang grupong nagpasikat ng mga kantang ginagamit ngayon sa iba’t ibang online platforms.


Inaasahan din ang pagdagsa ng mga bisita mula sa iba’t ibang lugar upang makibahagi sa selebrasyon.


Bukod sa mga pagtatanghal, tampok din sa pagdiriwang ang iba’t ibang aktibidad na nagpapakita ng tradisyon at pagkakakilanlan ng bayan ng Lucban

Pin It on Pinterest