Biglang Pagtaas ng Meralco Bill
Ikinagalit ng ilang customer ng Meralco ang biglang pagtaas ng kanilang bill sa kuryente ngayong buwan.
Bagama’t inaasahan na raw ang dagdag-singil, hindi naman umano katanggap-tanggap na ang ilan ay dumoble o trumiple dahil sa nakapakaraming charges.
Ipinaliwanag naman ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na kabilang sa mga sinisingil sa kuryente ang generation, transmission, subsidies para sa ilang sektor, at iba pang government-mandated charges na direktang ipinapasa sa kaukulang ahensya at hindi napupunta sa kita ng kompanya.
Bawat naturang item din umano ay inaprubahan ng mga regulatory agencies bago ipatupad at ito rin daw ay bahagi ng sistemang sinusunod ng lahat ng distribution utilities sa bansa.
Narito naman ang opinyon ng ating mga Ka-Bandilyo sa naturang usapin.
“Hindi ako pabor na ipasa sa mga consumer ang bayarin sa kuryente ng mga benepisyaryo ng 4Ps. Oo ngat mahalagang suportahan ang mga pamilyang nangangailangan pero hindi naman makatarungan na dagdagan ang pasanin ng iba pang mamamayan na hirap din sa pagtaas ng bilihin at bayarin. Dapat manggaling sa malinaw at sapat na pondo ng pamahalaan ang ganitong tulong, hindi sa bulsa ng kapwa Pilipino.” – LEO ALONZO
“Simple lang nmn Ang problema kung di kaya ng gobyerno Tayo na lang Ang humatol na mga mamayan para mabawi at maibalik sa gobyerno Ang meralco dadaan pa Yan sa maraming imbistigasyun Yan Ang batas natin sa huli Sila pa rin Ang mananaig. Kaya wag na nating payagan na muli alam natin na duwag Ang mga nanunungkulan sa Bansa natin pag dating sa ganyan mga usapin kaya kumilos na dapat Tayo lahat ng mga mahihirap sino Ang pulitiko mag lalakas loob na harapin Ang ganyan kalaking mga tao kung di Tayo mag kakaisa manawagan na kayo sa lahat at lalabas Tayo sa kalsada para bawiin na Yan at pati na rin Ang mga cooperative nila sa bawat probinsya. Kaya makiisa na tayo lahat Tayo apiktado” – VENN
“bkt sa atin ba iaasa ang bill ng 4ps ung hirap na nga tayo magbayad ng sarili nting kunsumo ng kuryente sa atin pa ipapasa mga billing nila suportado na nga sila ng gobyerno masyado nmn sila nagpapasarap sa buhay tpos tayo hirap na hirap kng paano mkakabayad ng malaking bill na yan” – LIE ANNE ESTEBAN
“4ps po ako pero malaki po bayarin namin sa kuryente at hindi naman po saakin un kuntador naka pangalan at patira lng kami sa bahay malaki po bayarin namin” – JHA MIROBUENO
“From 4k then 5k to 8.2k real quick. Kung kailan mas nagtitipid kami sa pagconsume dun pa mas tumaas.” – JAIMIREEN SORIANO LOYOLA
“Sa amin dati 5456 Ngayon 7114 ang Tanong sobra laki na napapatong sa Ng nakalagay sa baba sb gawa Ng 4 ps bakit kami Ang mag hihirap ai mahirap na nga d lang kami bapasama sa 4 ps na yan nakakuna Ng mga biyaya libre pa sa iba pano naman kami” – ELENA RIOFLORIDO
“Tyak may kain din meralco jan ndi lng un s 4ps dhilan n nla un pra d hlta. aq lhat n pagttipid gnwa q n d nko gumagmit rice cooker at water heater ngtytyaga aq ngluto s use oil kalan pra mktipid s kuryente at gasul tas mkkita q bill q tumaas p din eh halos 2 linggo p kmi ala s bhay …nun pnhon n un. sobrang phirap n meralco sumasabay p kau” – VIVIAN LICARDO
“Ang dati naming bil sa koryente 1700 now2350 sobrang pahirap ginagawa nio samin yung kunsumo ng mga batugan na4ps samin pahirap kami todo sa pgtitipid walang natatanggap sa gobyerno” – THELMA MANALO
“Doble doble grabe maling mga pmalakad ng gobyerno yn khit ako dipo kmi myaman para mkasali jn sa kaltasan ng mga 4ps na ngigingtamad lng nman” – ROWENA CALUBAYAN
“Nag papatay na agad Ng mga ilaw kumakain Ng Maaga para Hindi na gumamit Ng ilaw Hindi na nag bubukas Ng tv para makatipid tapos darating bill ang laki ano ba yan” – RONALD PALAPAG
“Grabi talaga subra nmn laki taas Meralco dapat my kalaban na yn meralco ng supply para hnd subra nmn meralco simple pagnanakaw sa taonng bayan pahirap lalo meralco” – RAMIL CABALLERO

