NewsRegional

ASF, tumama sa Batangas

Kinumpirma ni Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa na limang lugar sa Lalawigan ng Batangas ang tinamaan ng African Swine Fever o ASF.


Batay sa datos, may kaso ng naturang sakit sa mga munisipalidad ng Lobo, Lian, Rosario, Calatagan at Lungsod ng Lipa.
Ayon sa opisyal, posibleng epekto ito ng mga nagdaang bagyo at pagbaha dahil sa tubig ang isa sa dahilan ng pagkalat ng virus.


Nakikipag-ugnayan na ang kagawaran sa mga nabanggit na munisipalidad upang magdeklara ng ng state of emergency para magawa ang procurment ng mga bakuna.


Prayoridad sila sa gagawing roll out ng ASF vaccine na pangungunahan ng gobyerno ngayong third quarter ng 2024.

Samantala, sinabi naman ng Bureau of Animal Industry na aabot na sa 150 barangay sa buong bansa ang mayroong aktibo ng kaso ng ASF.

Pin It on Pinterest