News

Presyo ng LPG, bumaba, ilang Lucenahin nagbigay ng saloobin

Ayon sa ulat, nasa lima hanggang pitong piso kada kilo o katumbas ng 55 piso hanggang 77 piso sa 11 kilo ng tangke ang mababawas.

Ikinatuwa naman ng mga mamamayan sa Lungsod ng Lucena ang pagbaba ng presyo ng LPG.

Ayon kay Ruth, tindera ng tinapay, makatitipid siya. Inaasahan din niya ang tuloy-tuloy na pagbaba ng presyo nito.

Para naman kay Aling Sheryl na may tindahan ng pizza, ayos ito dahil makatitipid sa gastusin.

Samantala, paliwanag ni Department of Energy Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, posible ito dahil galing sa krudo ang LPG.

Pin It on Pinterest