NewsSports

Huskers, tinuldukan ang 2-game losing streak

Tinapos na ng Quezon Huskers sa kanilang home court ang back-to-back losing streak matapos talunin ang Rizal Xentro Mall Golden Coolers, 83-78, Agosto 7.


Balik sa kanilang signature game ang Huskers na umarangkada lamang sa 4th quarter para magwagi kontra sa Golden Coolers na may kalamangan simula 1st hanggang 3rd quarter.


Hirap dumikit ang hometeam sa una hanggang ikatlong yugto ng laro dahil sa duo ng Rizal na sina Alwyn Alday at John Apacible na laging may sagot sa tuwing pumupuntos ang Quezon.


Natapos ang 3rd quarter sa iskor na 64-55 pabor sa Rizal.


Pagsapit ng 4th quarter dito na nag-init ang mga dating FEU Tamaraws guards na sina LJay Gonzales at Xyrus Torres na sumuporta kay Mr. Consistent Judel Ric Fuentes.


Sumiklab si Fuentes na naging sandigan ng Huskers na nagpakawala ng 6-out-of-10 sa three point area at kumamada ng kabuuang 33-puntos.


Mayroon ng 17-2 record ang Quezon na nangunguna pa rin sa South Division ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) habang 11-10 naman Rizal na ikawalo sa North Division.


Sunod na makakalaban ng Huskers ang powerhouse team at number 2 sa North Division na San Juan Knights sa August 12.

Pin It on Pinterest