News

Bilang ng puno ng bakawan sa Gumaca, umabot na sa 100,000

Patuloy na isinusulong ng bayan ng Gumaca, Quezon ang pagpaparami ng puno ng bakawan sa kanilang lugar.

Nitong Miyerkules, nagtanim ang lokal na pamahalaan, kasama ang ibat ibang grupo ng mahigit 5,600 mangrove seedlings.

Ang mga bagong punla ay itinanim sa dalampasigan ng Barangay Panikihan.

Kaugnay nito, umabot na sa 100,023 ang kabuuuang bilang ng puno ng bakawan na naipunla at tumutubo sa lugar, na siyang layunin ng local government.

Ang aktibidad ay inilaan upang ipagdiwang ang kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang ika-123 anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways, Philippine National Police, Gumaca Water District, Gumaca District Hospital, Bureau of Jail and Penology, Department of Agrarian Reform at Bureau of Fire Protection.

Nakiisa rin sa pagtatanim ng bakawan ang mga mag-aaral at guro ng Panikihan National High School at ang mga opisyal ng Barangay Panikihan.

Pin It on Pinterest