News

Mga apektadong residente sa isang barangay sa Tagkawayan, sumailalim sa psychosocial aid dahil sa naganap na insidenteng isinagawa ng CPP-NPA-NDF

Nagsagawa ng psychosocial aid ang mga kawani ng Department of Health o DOH, Department of Social Welfare and Development o DSWD at MSWDO katuwang ang 85th Infantry Battalion Philippine Army, para sa apektadong mamamayan ng Brgy. Mapulot, Tagkawayan, Quezon kamakailan.

Ito ay bilang bahagi ng humanitarian response ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, at Pamahalaang Bayan ng Tagkawayan, sa naganap na pananambang sa mga CAFGU Active Auxillary o (CAA) malapit sa hangganan ng Tagkawayan at Labo Camarines, Norte.

Layunin ng psychosocial aid na tugunan ang emosyonal, sikolohikal na epekto at traumatikong dinaranas ng mga apektadong indibidwal dulot ng naganap na insidenteng isinagawa ng CPP-NPA-NDF.

Ginanap naman ang konsultasyon para sa mga pamilya ng nasawi sa Function Hall ng Pamahalaang Bayan, samantalang sa mismong Barangay ng Mapulot naman isinagawa ang konsultasyon para sa mga apektong mamamayan.

Pin It on Pinterest