Isa pang drug suspect arestado sa buy-bust sa Lucban
Arestado ang isang 30-anyos na laborer sa ikinasang buy-bust operation ng Lucban Pulis sa pamumuno ni PMaj Wilher Carbales, Disyembre 5 ng gabi.
Batay sa police report, bandang 8:43 ng gabi nang isagawa ng mga pulis sa pakikipagkoordina ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operasyon sa Barangay Ayuti.
Isang pulis na nagsilbing poseur buyer ang nakabili ng isang pirasong maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu mula sa suspek na residente ng Tayabas City.
Nakuha sa salarin ang ilegal na droga na tinatayang tumitimbang ng 1.5 gramo na may street value na PHP 30,600.
Matatandaang isang linggo lamang ang nakalipas nang makahuli rin ng drug personality ang Lucban Pulis.

