LocalNews

Senior Citizen, isa pang street level individual drug suspect arestado sa buy-bust sa sementeryo

Sa kulungan ang bagsak ng isang senior citizen at kasama niyang nasa talaan ng street level individual drug suspect sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Municipal Cemetery sa Infanta, Quezon.

Sa ulat ng pulisya, ang suspek ay sina ‘Rolando’, 63-taong gulang, residente ng Brgy. Bacong sa nabanggit na bayan at ‘Jojo’, 45-taong gulang residente ng Brgy. Kiloloron, Real, Quezon.

Nakumpiska sa kanila ang limang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng ilegal na droga na tumitimbang ng 35.7 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P242, 760.

Bukod dito, nakuha rin sa kanila ang isang Magnum .357 Smith and Wesson revolver at tatlong bala.

Pin It on Pinterest