News

KASAYSAYAN BAGO MAKAMIT ANG KASARILAN NG PILIPINAS IBINAHAGI NI KONSEHAL NICANOR “MANONG NICK” PEDRO, JR.

Kaugnay pa rin sa paggunita ng 119 na taon ng kasarinlan ng bansa, ibinahagi ni Konsehal Nicanor “Manong Nick’ Pedro, Jr. sa sangguniang panlungsod ng Lucena ang ilang tala ng kasaysayan bago makamit ng Pilipinas ang tunay na kalayaan mula sa mga mananakop.

“Malaya tayo bago pa dumating ang Kastila. Fallacy ng mga Kastilaloy ang paniniwalang “Magellan discovered the Philippines…” May sarili na tayo noong pamamahala, sa mga taga-bundok, taga-ibaba, taga-dagat at kung saan pang sulok ng perlas ng silangan.”

Ayon kay konsehal Pedro, hindi anya kasingdali ng pagsambit sa salitang “kalayaan” ang pinagdaanan ng bansa at sambayanan para lang makamit ang kalayaang tinatamasa ngayon sapagkat ito’y katumbas ay buhay.

“Tandaan lang po nating hindi kasingdali ng pag-sambit sa “kalayaan,” ang pinagdaanan ng bansa at ng sambayanan para lamang makapagkamit ng kalayaang tinatamasa natin ngayon – sa pagsasalita, sa isip at gawa, sa pananampalataya, sa paglalakbay, sa pagsasarili at sa maraming iba pa na ginagarantiyahan ng ating saligang batas!”

Samantala laman rin ng talumpating pribilehiyo ni Manong Nick Pedro ang pag-alala at pagpapahalaga sa mga bayani at kabayanihang iniambag nila sa bayan sa pagkamit ng kasarinlan ng bansa.

“Maliwanag pa sa sikat ng araw – ang kasaysayan ng bansa para sa kalayaan ay katumbas ng buhay! Pinagbuwisan hindi lang ng mga sinauna at sikat na bayani, kundi ng mga walang mukha at di kilalang mga pangalan.”

“Huwag nating lilimutin ang mga sundalo at mga kapulisyahan natin na sa ngalan ng kalayaan laban sa terorismo ay itinataya ang buhay. Itaguyod natin ang kalayaan sa mabuting pamamahala, malayang pagsasalita sa malayang dila, dahil ang diwa’y malaya!”

Pin It on Pinterest