Lalaking, nanuntok sa Lucena City, arestado
Arestado ang isang 27-anyos na lalaki sa Barangay 8, Lucena City matapos ireklamo ng Serious
Physical Injury ng kanyang nakaalitan.
Batay sa ulat, nagtungo ang 26-anyos na si ‘Troy’ kasama ang kanyang nanay sa himpilan ng Lucena City PNP noong Hunyo 4, bandang 6:30pm. upang ireklamo ang suspek dahil sa pananakit.
Nagkaroon umano nang pagtatalo ang salarin at biktima malapit sa basketball court Purok Pagkakaisa ng nabanggit na barangay hanggang sa ilang beses umanong sinuntok ng suspek ang biktima sa mukha na nagresulta ng pagkakapinsala sa kanang mata nito.
Agad namang naaresto ang salarin nang rumesponde ang mga awtoridad. //Lucena PNP via QPPO Situation Report

