News

33 PWD sa Infanta, nakatanggap ng mga kagamitang pang-agapay mula sa lokal na pamahalaan

Hindi na lubhang mahihirapan ang 33 na mga person with disability o PWD sa bayan ng Infanta, Quezon sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Ito’y matapos na magkaloob ng mga kagamitan ang Pamahalaang Bayan ng Infanta sa pangunguna ni Mayor Filipina Grace America nitong Martes, January 31.

Ayon sa Infanta LGU, ang naturang pamamahagi ay bahagi ng pagsuporta nila sa mga PWD ng bayan upang maibsan ang kanilang nararanasang kahirapan sa kanilang pamumuhay.

Kabilang sa mga ipinamahagi ng mga tauhan Municipal Social Welfare and Development at Persons with Disability Affairs Office o PDAO sa mga naturang PWD ay mga wheelchair, saklay at tungkod.

Bukod dito, nagkaloob rin ng corrective glasses ang lokal na pamahalaan para sa mga may kapansanan sa mata.

Pin It on Pinterest