LocalNews

Makabagong teknolohiya sa paraan nang pagsasaka, isinusulong sa Alabat, Perez

Isinusulong sa Alabat at Perez Quezon ang makabagong teknolohiya at pamamaraan sa pagsasaka sa tulong ng Department of Agriculture – PhilRice Los Baños.

Nagkaroon nang talakayan sa pagitan ng ahensya at 100 magsasaka tungkol sa Tekno Gabay o ang pagpapalawak ng kaalaman sa pagpapalay.

Ibinahagi ng mga magsasaka ang kanilang karanasan sa palayan na tinugunan naman ng rekomendasyon ng mga eksperto mula sa kagawaran.

Ayon sa isang magsasaka na si Marilou Omil, bilang isang baguhan sa larangan malaking tulong sa kanya ang pagdalo sa aktibidad dahil natutuhan niya ang paghahanda ng lupa, pagtatanim, at pamamahala ng sustansya at peste sa palayan.

Nagkakaroon naman daw ng mas malalim na kaalaman si Arnel Arena sa paggamit nang tama sa mga binibigay na tulong ng pamahalaan. Makatutulong umano ang ganitong ‘forum’ para mapaganda ang kanilang ani, mapababa ang kanilang gastusin, at mapataas ang kanilang kita.

Pin It on Pinterest