Mga Mamamayan ng Lungsod ng Lucena Nakikiisa sa mga Aktibidad ng Lucena City DRRMO
Nakikiisa ang mga mamamayan ng Lungsod ng Lucena sa mga isinisagawang aktibidad ng Lucena City DRRMO.
Ito ang naging pahayag ni Janet Gendrano, Head ng Lucena City DRRMO sa programang ‘Usapang Tapat ni Manong Nick’.
Ayon kay Gendrano, kitang-kita sa mga Lucenahin ang kagustuhang matuto sa kanilang mga isinasagawang aktibidad.
Aniya, hindi lang sa aktwal ng pangyayari maaaring gamitin ang kanilang mga natutunan.
“Dito po sa mga ginawa naming activity, nakikita po namin ‘yung eagerness po ng atin pong kababayan na matuto at ma-i-apply hindi lang sa aktwal na pangyayari ‘yung kanilang mga natutunan,” ani Gendrano.
Dagdag pa ng Head ng Lucena City DRRMO na kahit hindi aktwal na imbitado sa kanilang isinasagawang aktibidad ang iba ay pumupunta pa rin.
Aniya, yung iba ay nagbubukas ng bintana o di kaya naman ay lumalabas ng pinto upang makinig at matuto.
“Pinatawag po namin sa isang lugar singkwenta katao tuturuan namin yung mga kapitbahay po mga within the area nagbubukas po sila ng bintana ‘yung iba po nalabas po ng kanilang mga pintuan kahit hindi po sila yung aktwal na imbitado nakikinig po sila at gustong-gusto po nila matuto,” ani Gendrano.
Sinabi naman ni Gendrano na kitang-kita ang pagkakaisa ng mga mamamayan ng Lungsod ng Lucena. Aniya, kailangan ito ng isang komunidad dahil kapag may dumating na sakuna ay kinakailangan na magtulungan.