NationalNews

Big time oil price hike, ipatutupad sa susunod na linggo

Matapos ang oil price rollback nitong nakaraang linggo, malakihang dagdag presyo naman sa mga produktong petrolyo ang aasahan ng mga motorista sa susunod na linggo.

Sa abiso ng mga kumpanya ng mga langis, madadagdagan ng P0.60-P0.85 kada litro ang presyo ng gasolina habang P1.45-P1.70 kada litro sa diesel at P1.85-1.90 kada litro naman sa kerosene.

Burado agad nito ang naging tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo noong nakaraang Martes na umabot lamang ng P0.60 per liter sa gasolina, P1.20 per liter sa diesel, at P1.30 per liter sa kerosene.

Pin It on Pinterest