Panibagong Road Concreting sa Brgy. Mayao Castillo, Sinimulan Na!
Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways o DPWH ng 2nd District ng Lalawigan ng Quezon ang pagtatayo ng bagong 94 meters na kalsada sa Purok Dalampasigan ng Barangay Mayao Castillo sa Lungsod ng Lucena.
Ayon kay Kapitan Jun Garcia, magbibigay ito ng mas mabilis na pag-access sa mga pangunahing destinasyon ng turismo.
Malaking tulong aniya ito sa kabuhayan ng mga residente dito dahil mas mabilis na nilang maipapasok at mailalabas ang mga produkto.
“Kasi ang kuwan niyan kasi ang ano talaga ng farm to market road ay madaling maideliver ang mga product katulad ng ginagawang ito napakahirap pasukin nito kung ito ay panahon ng tag-ulan kaya ako’y sana ako’y humihiling sa aking kabarangay na humingi ng mga right of way.”
Ang naturang proyekto ng DPWH ay pinondohan daw ni Quezon 2nd District Congressman David Suarez ng nagkakahalaga ng P5,000,000.00.
Target daw matapos ang concreting of roads sa loob ng 120 araw pero ayon sa punong barangay pipilitin itong matapos sa loob ng 60 araw para mapakinabangan agad ng mga residente nito.
Sinabi ni Garcia na sumulat na siya sa ahensya ng Department of Agrarian Reform o DAR para sa pagpapabuti ng mga natitirang bahagi ng access road.
“So tayo marami tayong mga plano na gustong mangyari at ako nga ay sumulat pa sa DAR at gusto yung Dulong Silangan at Baao ay mabutas ko para naman hindi na sila umiikot pagpapunta ng barangay hall malayo pa ang iikutan nila so tayo meron na tayong resolution don at katuwang natin yung isang samahan at accredited sa DOLE at medyo yung ARB yun ang naka-ano don na nagpapatunay sila na ganon ang kailangan nila”.
Ito raw ay isang paraan upang pasiglahin ang pag-unlad ng turismo at produktong pang-agrikultura sa isang lugar ay ang aktwal na pagbutihin ang koneksyon sa kalsada.