Pagbagal ng inflation noong Marso, hindi raw naramdaman
Magpasahanggang ngayon sabi ng mga mamimili hindi pa bumababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin nananatili raw na mataas ang presyo.
Samantala, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) bumagal ang inflation noong buwan ng Marso.
Bagay na hindi naman naramdaman ng marami.
Sa tala ng PSA nasa 7.6 percent ang inflation noong nakaraang buwan.
Mas mababa ito sa 8.6 percent na inflation na naitala noong Pebrero.
Mas mabagal ang 7.6 percent na inflation noong Marso kumpara sa 8 percent na forecast ng mga analysts at 7.8 percent na forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ayon sa PSA, bumagal ang inflation dahil mabagal ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain at non-alcoholic beverages.’’