News

Pananaw sa taong 2023 ng ilang ordinaryong mamamyan, positibo

Postibong haharapin ng ilang ordinaryong mamamayan ang taong 2023, sabi nila hindi daw dapat mawalan ng pag-asa ang mga Pilipino, sa kabila ng mga krisis na pinagdaanan nitong mga nagdaang taon.

Patuloy na lumalaban, upang tuluyang makaahon sa pagkakadapa bunsod ng mga pinagdaanang pagsubok sa buhay.

‘’Positibo lang sa buhay,’’ ang sabi ni Ann.

“Positive laging positive” sabi ni Joselyn.

“Huwag mawalan ng pag-asa, positive lagi”.

Kung patuloy raw na susubukin ang buhay sa taong 2023, sabi nila mas kailangan raw na magsumikap, doblehin ang dedikasyon sa pagtatrabaho o paghahanapbuhay, magtiyaga at magpatuloy.

Kung patuloy na magmamahalan ang presyo ng mga bilihin hanggang sa susunod na taon, para makasabay sa pangangailangan sabi nila diskarte lang, magtipid kung kinakailangan upang hindi lalong mahirapan.

Samantala sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS) positibo raw ang nasa 45 porsyento ng mga Pilipino na bubuti ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan o sa susunod na taon.

Isinagawa ang naturang survey sa 1,500 respondents mula September 29 hanggang October 2.

Lumabas din sa naturang survey na nasa 39% ang naniniwala na walang pagbabago sa kalidad ng kanilang buhay habang maliit na porsyento lamang o 4% naman ang inaasahan na lalala pa ang kanilang pamumuhay, at nasa 12% naman ang hindi nagbigay ng kasagutan.

Ang resulta ng survey ay may net optimism score na 40 na itinuturing na excellent ng SWS.

Samantala sabi ng mga natanong ng bandilyo news team, bukod sa mga pagsisikap at positibong pananaw para mabago ang takbo ng buhay sa susunod na taon, panalangin daw ang isa sa mabisang sandata sa lahat ng pinagdadanan upang ito ay malampasan.

Pin It on Pinterest