Panghuhuli ng alpas na aso sa Tayabas City, tuloy-tuloy
Matapos makapagtala ng kaso ng rabies sa Tayabas City, mas pinaigting ng Local Government Unit (LGU) sa pamamagitan ng City Veterinary Office ang panghuhuli ng mga alpas na aso.
Nitong Hunyo 5, nagtungo ang mga Animal Control Officer sa Barangay Isabang sa loob ng Quezon Science High School, BellaVita Subdivision, at Purok Nagkakaisa para hulihin ang mga asong gala nang hindi na makapangagat at makapaghabol ng mga residente.
Kamakailan umano ay tatlong katao ang nakagat ng asong ulol sa naturang lugar.
Samantala, nauna nang magkaroon ng impounding operation sa mga barangay ng Calumpang, Kanlurang Domoit, at Malao-a nitong Hunyo 1 bilang bahagi pa rin ng Rabies Prevention and Control Program.

