Konsehal Manong Nick Pedro Jr, nanindigan na hindi bumaba ang kalidad ng edukasyon sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena
“Bakit bababa ang ang kalidad ng edukasyon sa DLL Mr. Presiding Officer, gayong may pamantayan ng scholarship sa pag-enroll at maging sa pagiging estudyante.”
Ito ang binigyang diin ni Konsehal Nicanor Manong Nick Pedro Jr. sa kanyang pribiliheyong talumpati kaugnay nang pagpapahayag ng saloobin ng mga mag-aaral ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena o DLL matapos sabihin ni dating Lucena City Mayor Ramon Talaga na walang malakasakit ang mga ma-aaral ng DLL at bumaba umano ang kalidad ng edukasyon sa nasabing institusyon
Ayon kay Konsehal Manong Nick, nakakainsulto sa pagkatao ng mga estudyante ng DLL an ganitong pahayag.
“Nagbibigay diin sa walang basehang paghamak sa talino at kakayahan ng mga iskolar sa kolehiyo ng siyudad. Nagsusulong sa hubad ng katotohanang walang malasakit mag-aral ang mga estudyante,” paglilinaw ni Manong Nick.
Dagdag pa ng Konsehal, hindi raw matatawarang propesyunal ang mga guro at nakatugon sa kwalipikasyong itinakda ang mga namumuno sa DLL kaya hindi bababa ang kalidad ng edukasyon dito.
“Nagdaan ang pasubok sa pagiging kolehiyo ng Commission on Higher Education ang DLL at kamakaila’y pumasa sa itinakdang criteria at nakasama sa mga tertiary colleges and universities na pasadong napabilang sa subsidiya o pondo ng nasyunal na gobyerno para sa tuition fee.”
Matatandaang nauna nang ipahayag ng mga mag-aaral ng DLL ang kanilang pagkadismaya sa pahayag ng dating alkalde.