PWD patay matapos malunod sa balon sa Calauag
Patay ang isang 48-anyos na Person With Disability (PWD) matapos malunod sa balon na matatagpuan sa mismong kanyang tirahan.
Batay sa police report, bandang alas-2:00 ng hapon noong Enero 9, nang nakatanggap ng impormasyon ang Calauag Municipal Police Station kaugnay ng nabanggit na insidente.
Ayon sa mga kaanak, ang biktima ay kumukuha ng tubig mula sa nasabing balon nang bigla itong atakihin ng epileptic seizure at nahulog sa balon.

