Pet owners, pinaalalahanan ng Pagbilao LGU
Mariing pinaalalahanan ng Pamahalaang Lokal ng Pagbilao, Quezon ang lahat ng pet owners na maging responsible sa pag-aalaga ng aso at pusa.
“Ayon sa Republic Act No. 9482 o ang Anti-Rabies Act of 2007, at sa bisa ng Municipal Ordinance No. 7 Series of 2021, mahigpit pong ipinagbabawal ang paglalagalag o paglalaboy ng mga alagang aso sa kahit anong pampublikong lugar gaya ng kalsada, palengke, paaralan, parke at simbahan,” pahayag ng LGU.
Maaari umanong hulihin o ikulong sa impounding facility ang mga asong pakalat-kalat sa lansangan. Pagmumultahin ang mga may-ari ng mahuhuli ayon sa itinakda ng batas.
“Paalala rin po na responsibilidad ng bawat pet owner ang pagbabakuna, pagpapakain at pagpapanatili sa kulungan ng kanilang alaga maging ito man ay aso o pusa.”